Archive for October, 2010

multo

Friday, October 29th, 2010

lapit na halloween.
saktong may bagong client ako.
ghost hunter stories.
perfect.

ako’y magiging busy. medyo matatagalan na naman bago makakasulat ng review.
pero try ko parin sumingit ng mga spoilers sa review site.
abangan!

batas

Monday, October 25th, 2010

wala tong kinalalaman tungkol sa baranggay elections na ginanap kanina.
wala akong pakialam dun. tinanggal nila ako sa official list of voters.
itong post na to ay tungkol sa pagtupad ng batas at sa mga pilosopong kayang manipulahin ito para sa mga clients nila.

nobody’s perfect and this can also be said with the law.
laws have loopholes and smart lawyers can use them to their clients’ advantage.
napapanood natin ito sa sine at telebisyon.
nababasa din natin ito nangyayari sa dyaryo at nobela.

may nagmungkahi sakin na mag-aral ulit para maging isang abogado.
makakatulong daw ito sakin at sa family business.
sabi ko dati pag-iisipan ko.
sinabi ko lang at di ko tinotoo.

pilosopo man daw ang abogadong matsing, pero ang kunwaring bobo mas nakakalamang parin.

____

nabasa ko The Brass Verdict kaya ko nasulat ito. basahin nyo nalang ang book review sa review site.. :)

sa totoo lang

Sunday, October 17th, 2010

Gusto ko sana sumali sa pacontest ng Nuffnang para sa special screening ng Social Network.
Kaso wag nalang.
Sponsor kasi nila ang PLDT myDSL.
Gusto nilang sagutin ko ang tanong na:

“The Social Network is to Facebook, as PLDT myDSL modem+wifi is to _________________.”

Napakadali diba.
Pwede ko naman silang bolahin at sabihin na PLDT myDSL is to high speed internet.

Kaso yoko lokohin sarili ko.
Hindi ko pwedeng sabihin yun habang nagdudusa ako sa akin PLDT myDSL connection.
Sa totoo lang ito mga nararapat na sagot:

“The Social Network is to Facebook, as PLDT myDSL modem+wifi is to:

a. turtle, snail, sloth at kung anu-ano pang mababagal na hayop.
b. x-mas lights or ilaw sa bar na patay sindi.
c. matigas na ulo na bata kase laging grounded ang linya.
d. mga bagay sa lost-and-found booth. nawawala at nahahanap ulit.
e. ALL OF THE ABOVE!

Amen? AMEN!