Archive for June, 2011
sa totoo lang part 2
Tuesday, June 21st, 2011Ako’y nanghihinayang na naman ako.
May special screening ang Nuffnang para sa Transformers 3.
Kaso sponsor na naman nila ang pinakamagaling na PLDT.
Kailangan ko lang gumawa ng blog tungkol sa:
“PLDT myDSL’s Internet to Sawa TRANSFORMS my Internet experience from _____ to _____.”
Tulad ng dati, madali lang naman magsinungaling para makakuha ng libreng tiket.
Pero ayaw ko yun gawin.
Lalo’t na bumalik na naman ang sumpong ng internet ko.
Para sa akin, ang PLDT myDSL’ Internet to sawa TRANSFORMS my Internet experience from:
a. bad to worse
b. irritating to frustrating
c. slow to slower
d. Bieber to Miley
e. ALL OF THE ABOVE!
Tamang tama ang catch phrase nila ngayon.. PLDT myDSL’s Internet to sawa… sawa magcomplain sa customer service hotline nila na parepareho lang naman ang sinasabi lagi.