Archive for the ‘mental doodle’ Category
Paalam FB games
Sunday, August 14th, 2011tumigil na po ako sa paglalaro ng kahit anumang laro sa peysbuk.
aksaya sa oras eh.
may mas importanteng mga gawaing dapat gawin.
mas magandang laro pwedeng laruin.
simula na ba to ng paglisan ko sa peybuk?
baka.
mooooo!
July Report
Tuesday, August 2nd, 2011Sobrang busy ako last month, di ako nakapagsulat para sa review site.
Isipin mo, apat lang na sulat ko at dalawa lang napanood kong pelikula.
Sira kasi bodyclock ko.
Nagigising ako gabi na.
Mali.
Buti nalang naayos ko ito pagpasok ng Agosto.
Nakakatulog ako ng 1am at nagigising bago mag-lunch.
Sinilip ko anong keywords ang popular sa site ko sa nakaraang buwan.
Ito ang top 5:
dream high
julianna guill
my girlfriend is a gumiho
zombieland rules
suzy dream high
Mukang andaming taong naghahanap ng bagay-bagay tungkol sa Dream High.
Di na ako nagtaka, maganda naman talaga yung korean drama na yun.
sa totoo lang part 2
Tuesday, June 21st, 2011Ako’y nanghihinayang na naman ako.
May special screening ang Nuffnang para sa Transformers 3.
Kaso sponsor na naman nila ang pinakamagaling na PLDT.
Kailangan ko lang gumawa ng blog tungkol sa:
“PLDT myDSL’s Internet to Sawa TRANSFORMS my Internet experience from _____ to _____.”
Tulad ng dati, madali lang naman magsinungaling para makakuha ng libreng tiket.
Pero ayaw ko yun gawin.
Lalo’t na bumalik na naman ang sumpong ng internet ko.
Para sa akin, ang PLDT myDSL’ Internet to sawa TRANSFORMS my Internet experience from:
a. bad to worse
b. irritating to frustrating
c. slow to slower
d. Bieber to Miley
e. ALL OF THE ABOVE!
Tamang tama ang catch phrase nila ngayon.. PLDT myDSL’s Internet to sawa… sawa magcomplain sa customer service hotline nila na parepareho lang naman ang sinasabi lagi.