walang bago

October 10th, 2011

walang bagong maisulat dito.
naging sobrang abala ako sa trabaho.
buti nalang naibalik ko ang pagnood ng mga pelikula,
pero ang pagbabasa ay nakalimutan na.

may isang libro akong sinimulan
ngunit di ko maabot ang katapusan.
di masyado maganda ang pagkasulat
at inaantok ako kapag ito ay binabasa.

kaya ayan ilang buwan na siya nasa may unan ko.
balang araw matatapos ko din siya.
pero ngayon ako’y abala pa.
paalam na muna.

Paalam FB games

August 14th, 2011

tumigil na po ako sa paglalaro ng kahit anumang laro sa peysbuk.
aksaya sa oras eh.
may mas importanteng mga gawaing dapat gawin.
mas magandang laro pwedeng laruin.
simula na ba to ng paglisan ko sa peybuk?
baka.
mooooo!

July Report

August 2nd, 2011

Sobrang busy ako last month, di ako nakapagsulat para sa review site.
Isipin mo, apat lang na sulat ko at dalawa lang napanood kong pelikula.
Sira kasi bodyclock ko.
Nagigising ako gabi na.
Mali.
Buti nalang naayos ko ito pagpasok ng Agosto.
Nakakatulog ako ng 1am at nagigising bago mag-lunch.

Sinilip ko anong keywords ang popular sa site ko sa nakaraang buwan.
Ito ang top 5:

dream high
julianna guill
my girlfriend is a gumiho
zombieland rules
suzy dream high

Mukang andaming taong naghahanap ng bagay-bagay tungkol sa Dream High.
Di na ako nagtaka, maganda naman talaga yung korean drama na yun.